
Pahinga muna sa pagsagip ng buhay bilang Doktora Analyn Santos ang Kapuso star na si Jillian Ward at sa halip ay gawin ito bilang si Captain Kitten sa upcoming episode ng Daig Kayo ng Lola Ko. Ayon pa sa young actress, kahit na challenging ang kaniyang role ay na-excite siya para rito.
“Medyo naging challenging siya for me kasi nakakapagod po pala mag-action scenes, mag-fight scenes, tapos naka-costume ka pa po na parang naka-body suit so something new po talaga siya para sa akin,” sabi ni Jillian sa online interview nila kay Nelson Canlas sa “Chika Minute” para sa 24 Oras.
Dagdag pa ng aktres, “Naging challenging po siya pero exciting.”
Sa online interview, ibinahagi rin ng kaniyang co-star na si Kim Perez na magaan katrabaho si Jillian, at pabirong sinabi na intimidated siya rito noong una.
“Doktora Analyn na 'yan e, so parang intimidated ako nung una, pero talagang napakagaan niya katrabaho,” sabi nito.
BALIKAN ANG BEST COSPLAY PHOTOS NI JILLIAN SA GALLERY NA ITO:
Para naman kay Gabby Eigenmann na gaganap bilang kontrabida sa drama-fantasy series ay "hilamos" ang kaniyang bagong role matapos ang tatlong taon niya bilang Captain Robinson.
“Hilamos ito kasi I'm back to my old roots kumbaga na being kontrabida again and it's like a reunion project with Jillian 'cause na-miss ko talaga si Jillian,” aniya.
Samantala, ibinahagi naman ni Shuvee Etrata ang dapat abangan at matututunan ng mga manonood sa episode ng Daig Kayo ng Lola Ko.
“Marami po silang matututunan sa friendships na hindi dapat maglaho dahil sa pag-ibig or sa kanya-kanyang sikreto. Siguro paano ba tumatatag ang friendship,” pagbabahagi nito.