TV

Pepito Manaloto: Paano na ang #BestChristmasEver ng Manaloto family?

By Aedrianne Acar

Hindi yata makukumpleto ang Manaloto fambam sa Noche Buena?

Mukhang one less person ang Christmas celebration nina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) dahil ang anak nila na si Clarissa (Angel Satsumi) ay naimbitahan sa bahay ng kaniyang boyfriend.

Mapapayag kaya ni Jacob (John Clifford) ang mga magulang ni Clarissa na hayaan ito makasama ng family niya sa salo-salo nila sa Christmas eve?

Paano na ang #BestChristmasEver sa mansyon ng mga Manaloto?

PEPITO MANALOTO THROWBACK PHOTOS:

Abangan ang kulitan at tawanan this Saturday night dahil makakasama natin sina Carlo San Juan, Che Cosio, Emil Sandoval, at John Clifford.

Mas lalong merry ang Pasko with the family kapag nanood ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, ngayong December 23 sa oras na 7:00 pm, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.