Maine Mendoza's 'Daig Kayo Ng Lola Ko' episode lands in YouTube PH Trends
Hindi lamang pinatawa kung 'di marami rin aral na hatid ang naging episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko sa Kapuso viewers last Sunday (December 3), kung saan special guest ang si Maine Mendoza.
Mahusay na ginampanan ni Menggay ang karakter ni Osang Tsismosa sa nasabing episode ng weekly magical anthology.
Bukod sa trending ito last December 3 sa Twitter at wagi sa TV ratings, patuloy pa rin itong pinag-uusapan. Sa katunayan, nasa 11th spot ang isa sa highlights ng episode ni Maine sa YouTube Philippines.
Kung gusto n’yo muling balik-balikan ang mga paborito ninyong eksena kasama si Maine Mendoza sa Daig Kayo Ng Lola Ko, heto ang episode highlights ng kuwento ni Osang Tsismosa.
Ang mga chika ni Osang Tsismosa
Parusa sa tsismosang dila
Kawawang Osang
Pagsisisi ni Osang sa pagkalat ng maling tsismis