TV

WATCH: Ella at Emma, dine-date ang iisang lalaki?

By Aedrianne Acar

Sa susunod na episode ng kuwento ni Lola Goreng tungkol sa isinumpang kambal, magkakaroon ng gusot sa pagitan nina Ella at Emma.

Dahil sa kapangyarihan ng diwata, mananatiling nakadikit si Emma sa scarecrow na si Minggoy tuwing umaga at si Ella naman ang papalit sa kapatid tuwing gabi.

Sa panandalian nilang kalayaan ay makikilala ng kambal ang isang guwapong binata na bibighani sa kanilang puso.

Pero handa kaya na magparaya ang dalawa kapag nalaman nila na sina Mark at Mike ay iisa?

Huwag kakalimutan na yayain ang buong barangay at sama-samang manood ng number one weekly-magical anthology na Daig Kayo Ng Lola Ko pagkatapos ng Amazing Earth.