TV

Daig Kayo Ng Lola Ko: Ang pagseselos ni Giging

By Aedrianne Acar

Nabitin ba kayo mga Kapuso sa sagupaan ni Super Ging [Bianca Umali] at Chakapre?

'Daig Kayo Ng Lola Ko': Chakapre, gustong talunin si Super Ging

Siguradong magugustuhan ninyo muli ang isang action-packed episode ng “Amazing Adventures of Super Ging and Harvey” sa Daig Kayo Ng Lola Ko this Sunday night!

Ano kaya ang susunod na gagawin ng mga kalaban ni Giging para makuha ang kaniyang magical powers?

At isang magandang babae ang eeksena sa childhood friends na sina Giging at Harvey [Miguel Tanfelix].

Pero ano kaya ang tunay na pakay ng dilag na si Chiqui [Liezel Lopez] kay Harvey?

Bubusigin kayo ng magic at magagandang aral ng mga kuwento ng multi-awarded actress na si Gloria Romero bilang si Lola Goreng sa Daig Kayo Ng Lola Ko tuwing Linggo ng gabi pagkatapos ng Amazing Earth!