TV

Daig Kayo Ng Lola Ko: Pagtutuos ni Super Ging at Chick Balang!

By Aedrianne Acar

Makapigil-hininga ang mapapanood sa continuation ng amazing adventure ni Super Ging [Bianca Umali] sa Daig Kayo Ng Lola Ko!

Bianca Umali at Liezel Lopez

Ano ang sikreto na tinatago ni Lola Goreng sa Daig Kayo Ng Lola Ko?

Dapat abangan ng Kapuso viewers ang matinding pagtutuos ni Super Ging at ang halimaw na gumayuma kay Harvey [Miguel Tanfelix] na si Chick Balang [Liezel Lopez].

Sa pagkakataon na ito, magawa kaya ni Giging na matulungan ang kababata na si Harvey na makawala sa love spell ni Chick Balang?

Kung isang relaxing weekend night ang hanap ninyo mga Kapuso, tumutok sa magagandang kuwento ni Lola Goreng na kapupulutan pa ng aral sa weekly-magical anthology na Daig Kayo Ng Lola Ko pagkatapos Amazing Earth this February 3.