TV

#TatakKapuso: Download Mommy story ng 'Daig Kayo Ng Lola Ko', No. 1 sa trending list ng Youtube

By Aedrianne Acar

Umani ng papuri online ang makabuluhang kuwento ng number one weekly-magical anthology on TV na Daig Kayo Ng Lola Ko na nanguna pa sa trending list ng YouTube!

Certified viral ang video kung saan tampok sina Mikee Quintos at Yasmien Kurdi na 'Make-up session with Download Mommy.'

Sa katunayan ay may mahigit sa 1.3 million views at 7,600 likes ang video na ito ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

Bumuhos naman ang positive reviews mula sa mga Kapuso na napabilib sa mahusay na storyline ng "Download Mommy." Marami ang natutuwa dahil kapupulutan daw ng aral ang episode na ito.