TV

Magical adventure with the trio Vina, Ronnie and Betty | Teaser Ep. 113

By Aedrianne Acar

Sumama sa isa na namang magical adventure sa bagong kuwento ni Lola Goreng (Gloria Romero) sa Daig Kayo Ng Lola Ko.

Kung trip ninyong magbabarkada ang mountain climbing, tiyak tututukan ninyo ang kuwelang bonding ng magkakaibigan na sina Vina, Ronnie at Betty.

Maging memorable kaya for all the wrong reasons ang barkada trip ng tatlo na mga walang pakundangan sa pagkakalat sa bundok na kanilang pupuntahan?

Ano ang mangyayari kapag nakaharap nila Vina, Ronnie at Betty ang magical mountain fairy na si Mona?

Tutukan ang star-studded episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko kung saan bibida sina Kate Valdez, Shaira Diaz, Thea Tolentino at Divine Tetay this June 30 pagkatapos ng Amazing Earth at bago ang StarStruck.