TV

Shaira Diaz at Nar Cabico, masaya sa mataas na ratings ng episode nila sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko'

By Aedrianne Acar

Iba ang powers ni Lola Goreng tuwing Sunday!

Masayang ibinalita ng Kapuso stars na sina Shaira Diaz at Nar Cabico na wagi sa TV ratings ang episode nila sa weekly-magical anthology na Daig Kayo Ng Lola Ko last July 14.

Ano kaya ang mangyayari sa adventure ni Fairy Nova (Nar Cabico) sa city kasama sina Vina (Shaira Diaz) at Ronnie (Kate Valdez)?

Huwag magpapahuli sa susunod na episode ng award-winning Kapuso show na Daig Kayo Ng Lola Ko every Sunday night pagkatapos ng Amazing Earth.