TV

Santi and Luna vs. the mythical white wolf | Teaser Ep. 142

By Aedrianne Acar

Kaabang-abang ang part three ng tinutukan ng buong bayan na kuwento ni Lola Goreng (Gloria Romero) na 'Sa Ilalim ng Buwan' na mapapanood ngayong Linggo ng gabi sa Daig Kayo Ng Lola Ko.

LOOK: Dennis Trillo at Barbie Forteza, thankful sa mataas na ratings ng 'Daig Kayo Ng Lola Ko'

WATCH: Kelvin Miranda, titiklop ba nang makakita ng ahas sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko?'

Sa pagdaan ng mga araw, mas lalong nagiging close sina Santi (Dennis Trillo) at zoo keeper na si Kayla (Barbie Forteza).

May pag-asa bang mabuo ang matamis na pagtitinginan ng dalawa, kahit hindi nila alam ang masakit na tadhana na naghihintay sa kanila?

Magawa kaya ni Santi saktan si Kayla, kapag nalaman nito na siya ang hinahanap nilang mythical white wolf?

Samantala, magawa din kaya ni Kayla maghiganti kung madiskubre niya na kapatid ni Santi si Luna (Lexi Gonzales), ang lobo na pumatay sa kanyang ina?

Samahan ang Kapuso primetime stars na sina Dennis Trillo at Barbie Forteza bilang guest stars sa Daig Kayo Ng Lola Ko this coming January 19 pagkatapos ng Amazing Earth.