TV

Super powers nina Super Ging at Genie Lyn, masasaksihan this Sunday!

By Aedrianne Acar

There's more reason to stay indoors this Sunday [May 31], mga Kapuso, dahil sa awe-inspiring magic at magagandang aral na masasaksihan sa back-to-back kuwento ni Lola Goreng (Gloria Romero).

Muling samahan si Super Ging (Bianca Umali) sa kanyang pakikipaglaban sa mga halimaw kasama ang heartthrob na si Harvey (Miguel Tanfelix) sa fist salvo ni Lola Goreng sa Daig Kayo Ng Lola Ko.

Huwag bibitaw sa exciting continuation ng story ng 'Amazing Adventures of Super Ging and Harvey!'


May dala namang kilig ang bagong kuwento ni Lola Goreng sa second part ng 'Okay Ka, Genie Ko' kasama sina Barbie Forteza and Ruru Madrid.

Matatandaan na marami rin ang kinilig sa on-screen pairing ng dalawa matapos silang bumida sa high-rating primetime series na Inday Will Always Love You.link:

Stay strong at stay indoors, mga Kapuso, at manood ng unang kuwento nina Super Ging at Harvey at 7:05 P.M. Susundan naman ito ng adventure ng 'Okay Ka, Genie Ko' sa ganap na 7:45 P.M. sa Daig Kayo Ng Lola Ko, pagkatapos ng Amazing Earth at bago ang Kapuso Mo, Jessica Soho.