TV

The magic continues with BiGuel and RuBie | Teaser

By Aedrianne Acar

Muli kayong mamangha sa back-to-back magic at kilig na ikukuwento ni Lola Goreng (Gloria Romero) sa Daig Kayo Ng Lola Ko this Sunday night!

Huwag bibitaw sa mas tumitinding bakbakan at adventure ni Super Ging (Bianca Umali) at Harvey (Miguel Tanfelix) sa pagharap nilang dalawa sa mga halimaw na gusto sumira sa katahimikan ng kanilang lugar.

Tiyak na kilig overload ang BiGuel fans sa fist story ni Lola Goreng na the 'Amazing Adventures of Super Ging and Harvey.'

Tutuparin naman ni Lola Goreng ang wish ng RuBie shippers, dahil bida sa ikalawang kuwento na 'Okay Ka, Genie Ko' ang tandem nina Ruru Madrid at Barbie Forteza.

Ma-in love kaya ang all-powerful na genie na si Genie Lyn (Barbie Forteza) sa mortal na si Caloy (Ruru Madrid)?


Piliing mag-bonding sa loob ng bahay, while keeping safe and healthy mga Kapuso.

Tumutok sa back-to-back magical story nina Super Ging at Harvey at 7:05 P.M na susundan naman ng 'Okay Ka, Genie Ko' sa ganap na 7:45 P.M. sa Daig Kayo Ng Lola Ko pagkatapos ng Amazing Earth at bago ang Kapuso Mo, Jessica Soho.