TV

Star-studded night sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko!'

By Aedrianne Acar

Siguradong kukurot sa inyong mga puso ang dalawang bagong kuwento ni Lola Goreng (Gloria Romero) na tiyak aabangan n'yo tuwing Linggo ng gabi.

Bibida sa Daig Kayo Ng Lola Ko ang ilan sa mga pinakasikat at respetadong aktres sa Kapuso Network na magpapaalala sa atin ng tunay na kahulugan ng pagmamahal!

Kilalanin ang pinakamagandang taong grasa sa balat ng lupa na gagampanan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. Sundan ang natatanging pagganap niya sa unang kuwento ni Lola Goreng na 'Grasya ang taong grasa.'

READ: Why Marian Rivera is the perfect choice as the special guest for the pilot episode of 'Daig Kayo Ng Lola Ko?'

Aantig din sa mga puso ninyo ang next story na pagbibidahan nina Mikee Quintos, Yasmien Kurdi at Manilyn Reynes.

Handa ka bang ipagpalit ang iyong nanay kung puwede mo nang ma-download sa isang mobile app ang dream mommy mo?

Yayain ang buong pamilya at manood ng magical story na 'Download Mommy.'

Kaya stay at home lang tayo mga Kapuso. Mag-binge watch sa puno na magic na back-to-back na kuwento ng Daig Kayo Ng Lola Ko. Una diyan ang 'Grasya ang taong grasa' sa oras na 7:05 P.M na susundan naman ng 'Download Mommy' sa ganap na 7:45 P.M., pagkatapos ng 24 Oras Weekend at bago ang Kapuso Mo Jessica Soho.