TV

Jennylyn Mercado, magbibigay ng ningning sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko' | Teaser Ep.

By Aedrianne Acar

Humanda sa sorpresa na magic na hatid ni Lola Goreng (Gloria Romero) sa back-to-back story niya sa high-rating weekly magical anthology na Daig Kayo Ng Lola Ko.

Mapapanood sa Linggo ang pagganap ng Ultimate star na si Jennylyn Mercado sa kanyang dual role sa unang part ng Daig Kayo Ng Lola Ko bilang kambal na magkaiba ang ugali na sina Sheena at Mina sa 'Kokak at Bulaklak.'

Sa sobrang saya naman ni Kring (Mikee Quintos) sa piling si Download Mommy (Yasmien Kurdi), baka tuluyan na niyang makalimutan ang tunay niyang ina.

May kapalit ba ang paggamit ni Kring sa magical app?

Sundan ang pagpapatuloy ng kuwento na ito kung saan bida sina Mikee Quintos, Yasmien Kurdi at Manilyn Reynes sa second part ng kuwento ni Lola Goreng.

Busog na naman kayo, kids, sa matutunan na lesson kay Lola Goreng!

Tumutok sa kambal na sina Sheena at Mina sa oras na 7:05 P.M at susundan naman ito ng "Download Mommy" sa ganap na 7:45 P.M. sa July 12 pagkatapos ng 24 Oras Weekend at bago ang Kapuso Mo Jessica Soho.