TV

Learn the true meaning of friendship and beauty in 'Daig Kayo Ng Lola Ko' | Teaser

By Aedrianne Acar

Tuloy ang pagpasabog ng magic at good vibes ni Lola Goreng (Gloria Romero) sa darating na Linggo ng gabi with her back-to-back story na perfect bonding para sa whole family.

Muling tunghayan ang kuwento ng 'Squad Goals and the Mountain Fairy,' kung saan makakasama sa adventure nina Vina (Shaira Diaz) at Ronnie (Kate Valdez) sa syudad si Fairy Nova (Nar Cabico)!

Makapag-adjust kaya sa city life ang magical fairy na si Nova?

Kung natuwa kayo sa barkadahan ng Squad Goals, matututo naman kayo sa hatid na moral lesson ng second story na 'Darling, Ang Pangit na Duckling' kung saan tampok ang mestiza beauty na si Sophie Albert!

Kayo ang panalo mga Kapuso sa back-to-back stories ni Lola Goreng sa August 16!

Panoorin ang unang kuwento ng magkakaibigan sa 'Squad Goals and the Mountain Fairy' sa oras na 7:05 P.M at kasunod naman nito ang 'Darling, Ang Pangit na Duckling' sa ganap na 7:45 P.M., pagkatapos ng 24 Oras Weekend at bago ang Kapuso Mo Jessica Soho.