TV

Daig Kayo ng Lola Ko: Malek, magtatagumpay ba sa kanyang maitim na plano?

By Aedrianne Acar

Huwag bibitaw mga Kapuso sa last episode ng magical journey nina Prince, Princess, and Prinsesita para iligtas ang Enchanted Queendom at ang kanilang Reyna Lola (Gloria Romero) sa Daig Kayo Ng Lola Ko.

Dahil hawak na ni Malek (Katrina Halili) ang buong Enchanted Queendom at determinado na mahuli ang mga apo ni Reyna Lola, uusbong pa rin kaya ang pag-asa na muling lumiwanag sa buong kaharian?

Ano ang magagawa ng tatlong bata sa kamay ng makapangyarihan ni Malek?

Yayain ang buong pamilya at manood ng episode na puno ng aral sa Daig Kayo Ng Lola Ko sa Sunday Grande sa gabi, 7:05 p.m. ngayong May 16.

For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit www.gmapinoytv.com.