TV

Daig Kayo Ng Lola Ko: Kaluluwa na naghahanap ng kasagutan

By Aedrianne Acar

Mahirap tanggapin para sa espiritung ligaw na si Brix (Miguel Tanfelix) ang nangyari sa kanya matapos ang malagim niyang car accident.

Puno siya ng tanong sa kung ano ang mangyayari sa kanyang pamilya kung wala na siya at pati din sa pinakamamahal niyang kasintahan na si Marge (Pauline Mendoza).

Kaya tutulungan siya ng spirit questor na si Tricia (Bianca Umali) para maka-move on at ma-contact sa huling sandali ang kanyang mahal sa buhay.

Pero laking gulat nila ng malaman na hindi pa siya patay at ang kanyang katawan ay nakaratay sa ospital matapos maaksidente.

Magawa kaya niya bumalik sa kanyang katawan, bago maisakatuparan ng kapatid niya na si Jigs (Anjo Damiles) ang masama niyang plano?

Handa kaya siya sa matutuklasan niyang sikreto tungkol kina Jigs at Marge?

Mas kaabangan ang tagpo ng kuwento ni Lola Goreng (Miss Gloria Romero) kung saan bida ang Kapus love team ng BiGuel na 'Love From Beyond' sa Daig Kayo Ng Lola Ko sa Sunday Grande sa gabi ngayong June 6, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com