TV

Jennylyn Mercado, magbibigay good vibes sa kanilang episode na 'Last People on Earth'

By Aedrianne Acar

Entertaining!

Ganito isinalarawan nina Ultimate Star Jennylyn Mercado at versatile actor Paolo Contis ang ginawa nilang episode para sa Daig Kayo Ng Lola Ko.

Tampok ang dalawang Kapuso A-list celebrities sa all-new episode ng multi-awarded children's fantasy series on TV, kung saan gaganap sila bilang Angel at Migs sa kuwento na "Last People on Earth."

Nagkuwento sina Jen at Pao ng naging experience nila shooting for the big comeback ng Daig Kayo Ng Lola Ko. Sa pahayag na ipinadala nilang dalawa sa GMANetwork.com, siniguro ng Kapuso actress na mapapangiti nila ang manonood sa episode nila na ipapalabas sa July 18.

Sabi ni Jennylyn, “Nakakatuwa na finally may new content na maipapalabas ang show and it's such an honor to start that out.

“Basta expect nila na mapapangiti sila while watching. Sa hirap ng buhay ngayon, minsan kailangan mo talagang malibang sa mga pinapanood mo, at isang halimbawa ng episode namin eto.”

Sinegundahan naman ito ni Paolo at sinabi, “Masaya and honored ako na kami 'yung na-cast sa pagbabalik ng fresh episodes ng Daig. Napakasaya nung episode. We made sure of that.”

Bagama't karamihan ng kanilang eksena sa "Last People on Earth" ay kinunan sa isang gubat, hindi raw nahirapan sina Jennylyn at Paolo sa outdoor scenes nila para sa show.

Ayon sa Kapuso actress, “Masaya. Basta magaan kasama ang mga katrabaho mo kahit saan pa kayo mag taping, siguradong masaya siya.”

Para naman kay Paolo, hindi ganun kalaki ang adjustment, kahit outdoor ang location nila since tuloy-tuloy ang naging trabaho niya kahit may pandemya.

Kuwento ng magaling na comedian, “Hindi naman ako nahirapan to adjust kasi I never stopped working. Nag shoot ako ng movie and regular akong nag 'AOS' and 'Bubble Gang'.”

Sina Angel at Migs na parang aso't pusa kung mag-away, matuklasan kaya nila ang hiwaga kung bakit biglang nawala ang mga tao sa mundo?

Tutukan ang all-new episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko sa Sunday Grande sa gabi sa oras na 7:00 PM.