TV

Daig Kayo Ng Lola Ko: Magpapakilig this Sunday night si Stephen Min

By Aedrianne Acar

Tatlong heartthrobs ang makakasama ng Kapuso primetime actress na si Kate Valdez bilang Princess Lea sa upcoming episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

Tampok sa kuwento na “Huwag Sindakin si Stephen Min” si Kate at ang leading men na sina Ivan Dorschner, Addy Raj, at Kapuso singer-actor Yasser Marta!

Gawing mas makabuluhan ang bonding time with the whole family tuwing Linggo sa panonood ng Daig Kayo Ng Lola Ko, pagkatapos ng 24 Oras Weekend this coming September 26.