TV

Daig Kayo Ng Lola Ko: Happy family nga ba sina Sunshine at Homer?

By Aedrianne Acar

Kung wala na bang spark sa pagitan ng mag-asawa, time to let go na?

Ito ang kinakaharap na problema ng couple na sina Sunshine (Pokwang) at Homer (Tonton Gutierrez) na pikon na sa isa't-isa.

Magawa kaya nilang maghiwalay dalawa kung darating ang nanay ni Sunshine na si Grandma Merlie (Frances Makil)?

Umamin kaya si Sunshine na gusto na niyang hiwalayan si Homer?

At itong si Lola Merlie may sinisikreto rin sa buong pamilya niya!

Sino ang magical creature na BFF ng nanay ni Sunshine?

Abangan ang first-guesting ng award-winning comedian na si Pokwang na bibida sa kuwento na “It's Not You, It's Me” sa Daig Kayo Ng Lola Ko, pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa darating na October 3.