TV

Daig Kayo Ng Lola Ko: The truth is out!

By Aedrianne Acar

Mahuhuli na ang mag-asawang Sunshine (Pokwang) at Homer (Tonton Gutierrez) sa sikreto na tinatago nila sa “It's Not You, It's Me” ng Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong Linggo, October 24.

Matitigil na ang pagpapanggap ng mag-asawa sa harap ng kanilang pamilya, matapos ma-allergy sa kinain niya si Homer nasa katawan ni Sunshine.

Paano tatanggapin nina Martin (Paul Salas), Carla (Shanelle Agustin) at Grandma Merlie (Frances Makil), ang katotohanan na nag-body switching ang dalawa?

Magawa rin kaya sabihin ni Grandma Merlie na ang dwarf friend niya na si Chuchay (Maey Bautista) ang dahilan kung bakit sila nagkapalit ng katawan?

Huwag papahuli sa finale episode ng “It's Not You, It's Me” sa Daig Kayo Ng Lola Ko, sa October 24 sa Sunday Grande sa Gabi.