
Naghahanap ba kayo ng family bonding experience this weekend?
Puwes, sagot na ng Daig Kayo Ng Lola Ko Puwes, ang entertainment gift n'yo this Saturday night with another Holiday-inspired story na tiyak kagigiliwan ng buong pamilya.
Sa bagong kuwento na “Jingle Bear,” makikilala natin ang rich kid na si Jingle Belle (Shayne Sava) na lumaking spoiled at hindi nagpapahalaga sa mga regalong ibinibigay sa kanya na hindi pasado sa kanyang standard.
Paparusahan siya ng magical bear na si Jolly na gift ni Santa, matapos nitong itapon, para matutunan nito na baguhin ang kanyang pag-uugali.
Sa tulong ni Yaya Patty (Manilyn Reynes) at driver na si Kiko (Abdul Raman), matuklasan kaya ni Jingle ang tunay na diwa ng Pasko o forever na siya maging isang cuddly bear?
Tutukan ang all-new episode ng high-rating weekly magical anthology dahil makakasama rin this December 20 sa Jingle Belle story sina Pekto, Richard Quan, at Kevin Santos.
Puno ng Puso ang Paskong Pinoy, kaya yayain ang buong barangay ngayong weekend na manood ng Daig Kayo Ng Lola Ko sa oras na 9:30 p.m..