TV

Daig Kayo Ng Lola Ko: Ang pasaway, sinumpa maging ibon?

By Aedrianne Acar

Nakapangingilabot ang nangyayari kay Pao (Will Ashley) na unti-unting nagta-transform bilang taong ibon sa Daig Kayo Ng Lola Ko.

Sinumpa ni Aling Vicky (Candy Pangilinan) ang binata, matapos makawala ang kanyang alagang parrot, dahil sa kagagawan ni Pao.

Source: GMA Network

Matulungan kaya siya ng pinsan niya na si Bugoy (Jeremy Sabido) bago mahuli ang lahat?

Mapansin kaya siya ng nagugutusuhan niya na si Michelle o magtatakbo ito kapag nalaman na nagiging ibon na siya?

Huwag palagpasin ang part two ng kuwento ni Pao Pasaway sa Daig Kayo Ng Lola Ko this coming March 20, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.