
Tandaan mga bata, ang pagnanakaw ay mali!
Ito ang aral na hatid ng Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong Linggo ng gabi.
Tampok sa kuwento na 'Gold Pa More' ang Prima Donnas star na si Althea Ablan at mapapanood din ang versatile actress na si Sunshine Cruz.
Sa all-new episode ng award-winning magical anthology on TV this July 2, makikilala natin ang fraternal twins na sina Jackie (Althea Ablan ) at Patty (Kyle Ocampo) na magkalayo ang pag-uugali.
Kung si Jackie ay responsable at matulungin sa kanilang ina na si Cora (Sunshine Cruz), happy-go-lucky naman ang kaniyang kapatid na si Patty.
Source: GMA Network (YT)
Magugulo ang tahimik na buhay ng magkapatid na madiskubre nila ang tinatagong pot of gold ng magical leprechaun na si Roygbiv (Boobay).
Sino kina Jackie at Patty ang masisilaw sa nakamamanghangang ginto ni Roygbiv?
Magdadagdag kulay rin sa all-new episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko ang Kapuso comedienne na si Kiray Celis at stand-up comedian na si Pepita Curtis!
Kaya bago ang simula ng panibagong Linggo, mag-bonding with the whole family at manood muna ng 'Gold Pa More' sa Daig Kayo Ng Lola Ko, ngayong July 2 sa Sunday Grande sa gabi sa oras na 6:00 p.m.