TV

Rufa Mae Quinto at Cai Cortez, pinangalanan ang pinakamamahal nilang 'bida kontrabida'

By Aedrianne Acar

Tampok sa month-long anniversary special ng Daig Kayo Ng Lola Ko na 'Bida Kontrabida' na mapapanood na sa July 10 ang Sparkle artist na si Rufa Mae Quinto at First Lady star na si Cai Cortez.

Dito gaganap silang dalawa na mga villain from the classic fairytales--si Rufa Mae bilang ang Evil Queen at si Cai naman ang Sea Witch.

Sa idinaos na online media conference ng weekly-magical anthology with the members of the press ngayong Martes ng hapon, tinanong ng GMANetwork.com sina Rufa Mae at Cai, kung mero'n ba silang tao sa buhay nila na noon ay “kontrabida” ang tingin nila, pero “bida” pala, dahil napakalaki ng naitulong nito para mapabuti sila.

Para sa former Kababol na si Rufa Mae Quinto, “Siguro asawa ko (Trevor), dahil siyempre lalo na at pulis 'yun, pinu-pulis niya ako charot [laughs].”

Dagdag niya, “Military din siya, so mahilig siya na mag-[bawal], hindi naman kontra, pero lahat ng hindi maganda, siyempre sinasabi niya. For example, 'kailangan ganito, bawal ganito' alam mo 'yung ganun”

“In short very strict siya, pero bida rin siya, kasi tama naman siya sa mga advice n'ya para sa akin. Siyempre, gusto niya fresh din ako ganun.”

“Anak ko na rin [Alexandria], kasi nga minsan susunod minsan hindi, so alam mo 'yun. The best thing sila, the sweetest, pero madami rin mga palusot, natututo na. So, 'yung pamilya ko 'yun, anak at asawa ko.”

Naalala naman ni Cai Cortez ang mga pangaral ng kaniyang mommy nung teenager siya na ngayon naiintindihan na niya, dahil isa na rin siyang ina.

Paliwanag ng anak ni Rez Cortez, “Hindi naman po sobrang kontrabida, pero, kunwari 'yung mom ko po na nung bata ako or teenager ako parang killjoy mo naman mommy. Bakit ka nag-aalala masyado? Kaya ko na sarili ko.”

“Ngayon na nanay na ako, biglang naiintindihan ko 'yung ka-praningan bilang nanay. So, 'yun po siguro pinakamalaking kontrabida to bida in my life is my mom.”

Mapapanood rin sa four-part anniversary special na 'Bida Kontrabida' na magsisimula ngayong Linggo ng gabi (July 10) si Kapuso heartthrob Andre Paras at Little Princess actress Jo Berry.