TV

Daig Kayo Ng Lola Ko: Bubbles, the lying doll

By Aedrianne Acar

The truth is out sa "MadalDolls" episode ng Daig Kayo ng Lola ko ngayong Linggo.

Para matulungan ang kanilang kaibigan na si Steph (Roxie Smith), nagdesisyon sina Blondie (Ashley Ortega) at Carrot (Hannah Precillas) na magpakita sa kanya.

Ito ay para balaan ang kanilang human owner tungkol sa kasinungalingan ni Bubbles (Sanya Lopez).

Samantala, duda si Luna (Crystal Paras) na may kababalaghan na tinatago ang laruan ni Rina (Lia Salvador), kaya naman kukunin nito si Bubbles.

Ngunit, walang mangyayari at mananatili ito sa kanyang toy form.

Makikita ni Rina na hawak ni Luna si Bubbles at pag-aagawan ito--determinado si Luna na i-expose na si Bubbles ay isang magical doll sa publiko.

Paano kung malaman ni Luna ang kababalaghan na taglay ng laruan ni Rina?

Ano naman ang mangyayari sa oras na komprontahin siya ng ibang toys, sa pangunguna ni Blondie, si Bubbles dahil sa paninira nito kay Steph?

Kumapit sa lalong gumagandang kuwento ng "MadalDolls" sa Daig Kayo Ng Lola Ko sa Sunday Grande sa gabi ngayong August 21 pagkatapos ng 24 Oras Weekend.