TV

Barbie Forteza, malaki ang pasasalamat sa GMA Network

By Aedrianne Acar

Taos-puso ang pasasalamat ng Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza sa trust at confidence na ibinigay ng kanyang home network sa projects na ginagawa niya.

Matagumpay ang pair up nina Barbie at David Licauco sa hit fantasy-portral serye na Maria Clara at Ibarra, kung saan nakilala ang loveteam nila bilang FiLay na hango sa pangalan ng kanilang karakter sa primetime series.

Sa panayam sa kanya ng entertainment writer na si Allan Policarpio sa idinaos na online media conference para sa project nila sa Daig Kayo Ng Lola Ko, sinabi ng 25-year-old actress na nakakataba ng puso na nakakapag-deliver pa rin siya sa kanyang mga show.

Aniya, “At this point of my career, akala ko hanggang ganun na lang, like show after show after show. I never thought magkakaroon ng ganitong ka-successful na pair up.

“So ibig sabihin, kahit papaano wala pa ako ginagawang mali, kasi pinagkakatiwalaan pa rin ako ng mga tao, pinagkakatiwalaan pa rin ako ng GMA Network, ng management, para to entrust me to be paired in a loveteam, or to be a solo actress. Kumbaga kahit papaano, nagagawa ko pa rin pala 'yung trabaho ko. Kasi if anything, mas nag-improve lang 'yung response ng tao towards sa akin.”

Source: barbaraforteza (IG)

Curious ba kayo mga Kapuso sa magiging role ng FiLay sa Daig Kayo Ng Lola Ko simula March 12?

Silipin ang eksklusibong panayam ng dalawa sa Kapuso Showbiz News DITO.

Mapapanood din sa 'Lady & Luke' story sina Zonia Mejia, Vince Maristela, Gilleth Sandico, Hannah Precillas at Bodjie Pascua.

Abangan ang Daig Kayo Ng Lola Ko sa Sunday Grande sa Gabi sa oras na 6:00 p.m.

TINGNAN ANG MGA NAKAKAKILIG NA EKSENA NG FILAY SA DAIG KAYO NG LOLA KO DITO: