Panoorin ang magical episode kung saan tampok ang Kapuso child star na si Yuan Francisco at si Serena, the wonder dog sa panalong episode ng 'Daig Kayo Ng Lola Ko' this October 28.
Abangan ang bagong kuwento ni Lola Goreng tungkol kay Junior at Princess sa 'Oh My Dog.' Bida sa naturang episode ng 'Daig Kayo Ng Lola Ko' ang child star na si Yuan Francsico, Gladys Reyes, Jason Francsico at Maey Bautista.
Tampok din sa magical story ng 'Daig Kayo Ng Lola Ko,' ang wonder dog na si Serena sa Kapuso primetime series 'Sherlock Jr.'
Bakit 'tila ayaw na makasama ni Junior si Princess?
Kailangan mag-ingat ni Junior at baka parusahan siya ng Fairy dog mother.
Ano ang nangyari kay Junior?
Tutukan ang kuwento ng 'Oh My Dog' sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko' this Sunday night, October 28 pagkatapos ng 'Amazing Earth.'