TV

'Dangwa' Girl Janine Gutierrez, nagbigay ng love advice for the hopeless romantics sa 'Unang Hirit'

By FELIX ILAYA

Malapit nang dumating ang Dangwa Girl na si Janine Gutierrez kaya kinapanayam siya ni Lhar Santiago sa flower shop niya na "Keri Bloom Bloom" upang humingi ng love advice para sa mga hopeless romantics at sawi sa pag-ibig. 

WATCH: 'Dangwa', ngayong Oktubre na 

Tinanong siya ni Lhar kung ano ang mai-aadvice niya sa couples na nawawalan ng time para sa isa't-isa.

Aniya "Siguro ang maa-advice ko na kailangan mag extra effort sila para maiparamdam sa girlfriend nila o boyfriend nila na kahit busy sila, siyempre palagi pa rin nilang iniisip 'yung minamahal nila."

Nahihirapan bang magbigay ng love advice si Janine?

"Sa tingin ko po, madaling magbigay ng payo, mahirap kapag ikaw na 'yung makikinig sa sarili mo. 'Di ba kasi siyempre 'pag ikaw na, mas matigas ulo mo 'eh, pero 'pag nagbibigay ng payo parang mas madali," sagot niya.

Tulad ng nakararami sa atin, nakaranas na din daw ng heartbreak si Janine.

Binahagi ni Janine na "Siyempre, lahat naman tayo may mga kani-kaniyang heartbreak. 'Tsaka lalo na bilang artista kasi madami kang ginagampanan na iba-ibang roles so iba-iba 'ding heartbreak 'yung kailangan 'mong iparamdam sa sarili mo para sa mga kuwento, 'di ba?"

Tinanong din siya ni Lhar kung anong klase siyang bulaklak.

"Ang favorite ko po Stargazer. Una sa lahat, ang ganda kasi ng pangalan niya, parang palaging nakatingin sa langit, sa magandang kinabukasan. Pero siyempre, bilang halaman, it stays on the ground. So parang sini-simbolo niya na always look forward pero keep yourself grounded. 'Tsaka maganda!"

Namigay din si siya ng mga bulaklak sa mga dumadaan sa Dangwa.

READ: 'Dangwa': Love blooms in the most unexpected places 

Sa huli, inanyayahan ni Janine ang lahat na manood ng Dangwa.

"Sana po abangan niyo ang pagsisimula ng kuwento ng Dangwa. Sa October 26 na po 'yan sa GMA, 11 AM hanggang 11:30 AM. Abangan niyo po dahil lahat ng paborito niyong artista, dadaan dito sa tindahan."

Video courtesy of GMA News