Gaganap si Andrea Torres bilang ang babaeng walang closure sa kuwentuwaan sa 'Dear Uge' ngayong Linggo, February 24.
Maraming taon na ang nakalipas pero hindi pa rin naka-move on si Chloe (Andrea Torres) sa tatlo niyang ex-boyfriends.
Never nagka-closure si Chloe sa dati niyang nobyong si Laurence (Rodjun Cruz).
Hindi pa rin maka-move on, umaasa pa rin kaya si Chloe sa ex niyang si Thirdy (Joemarie Nielsen)?
Marami pa ring katanungan ang hindi masagot tungkol sa natapos na relasyon nina Chloe at Paul (Rob Moya).
Ngayong muling makikita ni Chloe ang kanyang ex-boyfriends, maka-move on na rin kaya siya o maninigas na lang siya sa kinatatayuan niya?
Mag-o-open up si Chloe kay Uge tungkol sa kanyang past relationships.
Tutok na sa kuwentuwaang ito sa 'Dear Uge' ngayong Linggo, February 24.