Alamin ang kuwento ni Lizzie sa episode ng Dear Uge, na pinamagatang “Chubby-yutiful,” ngayong Linggo, June 23. Tampok dito sina Cai Cortez, Rocco Nacino, at Andrew Gan.
Si Lizzie (Cai Cortez) ay 'di lang winner sa life kundi pati na rin sa love. Mataba man siya, meron naman siyang career, boyfriend, at pleasing personality.
Almost perfect na ang kanyang buhay ngunit minsan napapaisip si Lizzie if she played it safe all her life.
Sa isang pagkakataon, nakilala ni Lizzie ang dashing and gwapong chef na si Brent (Rocco Nacino).
Dahil sa gwapong chef, nakipag-break si Lizzie sa kanyang boyfriend na si Bryan (Andrew Gan).
Pinipilit rin niyang magpapayat para humabol sa perfect physique ni Brent.
Gagawin lahat ni Lizzie para mapasakaniya si Brent.
Anong matutulong ng cameo character ni Uge sa kwento ni Lizzie?
Bibisita sina Lizzie, Brent, at Bryan sa Uge Variety Store.
Subaybayan ang kuwentuwaan sa 'Dear Uge' ngayong Linggo, June 23, pagkatapos ng 'Sunday PinaSaya.'