Tila naging libangan na nina Katrina Halili at Neil Ryan Sese ang pag-aaway bilang ang mag-asawang sina Gloria at Deo sa kuwentuwaan sa 'Dear Uge Presents' ngayong Linggo, April 25.
Sa dalas mag-away nina Gloria at Deo, laging inaabangan ng kanilang kapitbahay ang pagtatalo nila. At ang karaniwang dahilan ng kanilang pag-aaway ay ang pagseselos ni Gloria dahil sa panlalandi ni Deo kay Stacy (Jenzel Go).
Maawat kaya nina Randy (Jay Arcilla) at deaf wife niyang si Mariel (Therese Malvar) ang pagtatalo kapag lumipat sila sa bahay ng mga ito? O mauwi na lang sa hiwalayan ang kanilang pagsasama lalo na sa pag-eksena ni Stacy?
Silipin ang mangyayaring kuwentuwaan ngayong April 25 sa gallery na ito:
Sina Katrina Halili at Neil Ryan Sese ang magbibigay-buhay sa mag-asawang voice talents na sina Gloria at Deo.
Sa dalas nilang mag-away, inaabangan na sila lagi ng kanilang mga kapitbahay.
Nangunguna talaga sa mga chismosa ang cameo role ni Eugene Domingo!
Makikitira sa mag-asawa ang pinsan ni Deo na si Randy (Jay Arcilla) kasama ang kanyang asawang bingi na si Mariel (Therese Malvar). Makatulong kaya sila kina Gloria at Deo?
Mas gugulo ang eksena sa pagdating ni Stacy, ang babaeng pinagseselosan ni Gloria.
Mauwi nga kaya sa hiwalayan sina Gloria at Deo?
Tuloy ang kuwentuwaan sa tindahan ni Uge.
Alamin kung ano ang kahihinatnan ng kuwentuwaang ito sa 'Dear Uge Presents' ngayong Linggo, April 25, sa GMA-7!