Love comes in all shapes and sizes, ika nga.
Tunay nga namang hindi nagma-matter sa pag-ibig ang pisikal na kaanyuan ng tao.
Ganyan ang love story ng smart flabby engineer na si Tabby (Cai Cortez) at doktor na si Sam (Luke Conde) na mapapanood this Sunday (October 17, 2021) sa bagong episode ng 'Dear Uge' na pinamagatang "Ganda Ka, Te."
Masusubok ang kanilang pagmamahalan dahil involved ang sister ni Tabby na si Betty (Kim Rodriguez). Unlike Tabby, sexy and attractive si Betty. Never pa na in-love si Tabby at fresh from break-up naman si Betty.
Makikilala ni Betty ang doctor neighbor nilang si Sam na nakikita niyang perfect rebound. Pero si Sam, iba pala ang type at ito ang flabby sister niyang si Tabby! Hindi tuloy makapaniwala si Tabby na may magkaka-interes sa kanya.
Masira kaya ang relasyon ng magkapatid? O may magparaya kaya sa kanila? At ano kaya ang say ng tatay nilang si Joe (Dennis Padilla) sa away ng kanyang mga anak?
'Yan ang dapat abangan sa 'Dear Uge' ngayong Linggo. Pero bago 'yan, narito ang pasilip sa ilang eksena sa "Ganda Ka, Te."
Tampok sina Kim Rodriguez at Cai Cortez sa 'Dear Uge' episode na "Ganda Ka, Te". Gaganap silang magkapatid dito na may mga pangalan na Betty at Tabby.
Sexy bimbo na nagtatrabaho bilang gym trainer si Betty at smart flabby engineer naman si Tabby. Perpekto kung maituturing si Betty dahil nasa kanya na ang ganda at kaseksihan.
Walang boyfriend si Tabby kaya naman ibinuhos niya ang kanyang pagmamahal sa kanyang kapatid.
Masisira ang relasyon ng magkapatid nang makilala nila si Sam na aakalain ni Betty na isang taong grasa na kumuha ng wallet niya.
Nasungitan man ni Betty, kabaitan naman ang ipinakita ni Tabby kay Sam.
Ang inakalang taong grasa na si Sam, doktor pala! Kaya gagamitin siyang rebound ni Betty matapos makitang maayos na ang bihis nito.
Pero si Sam, hindi si Betty ang gusto kundi si Tabby.
Paano kaya papagitna ang ama nilang si Joe?
Alamin 'yan sa 'Dear Uge' episode na pinamagatang "Ganda Ka, Te" kasama si Eugene Domingo na gaganap bilang Chef Chefan. Mapapanood 'yan this Sunday (October 17, 2021), 3:35 p.m., pagkatapos ng 'GMA Blockbusters.'