This Sunday, December 5, may bagong exciting na kuwento na namang mapapanood sa GMA weekly sitcom na 'Dear Uge' na pinamagatang 'The Bwisitor.'
Tampok dito sina Yasmien Kurdi at Neil Ryan Sese na gaganap sa karakter nina Joanne at Mon, mag-asawa.
Happily married sina Joanne at Mon, at naging mas matamis pa ang kanilang pagsasama noong nabiyayaan sila ng supling.
Ang masaya at stress-fee na pamilya ni Mon ay magigimbala nang dumating si Marieta (Irma Adlawan), ang nanay ni Joanne.
Bilang si Joanne ang nagtatrabaho para kanilang maliit na pamilya, si Mon ang naiiwan sa bahay para mag-alaga kay baby. Paano kaya niya pakikisamahan ang kanyang "monster-in-law" lalo pa't titira ito sa kanilang bahay?
'Yan ang dapat abangan sa 'Dear Uge' ngayong Linggo pero bago 'yan, narito ang ilang pasilip sa episode:
Gaganap bilang mag-asawa sina Yasmien Kurdi at Neil Ryan Sese sa episode ng 'Dear Uge' na 'The Bwisitor.' Joanne at Mon ang pangalan ng kanilang mga karakter.
Si Mon ang nakatoka sa pag-aalaga sa baby nila ni Joanne.
Ang tahimik na buhay ni Mon kasama ang kanyang anak ay gugulo sa pagdating ng ina ni Joanne, si Marieta, na gagampanan ng award-winning actress na si Irma Adlawan.
Makatulong kaya si Rufa sa problema ni Mon o maging kakampi pa siya ni Marieta?
Ano kaya ang rason ni Marieta bakit niya iniipit ang kanyang sariling son-in-law?
Paano kung malaman ni Joanne na ang kanyang sariling ina ang nananakot sa kanyang asawa?
Abangan ang kuwento ng 'The Bwisitor' sa 'Dear Uge' kasama si Eugene Domingo ngayong Linggo, December 5, 3:35 p.m., pagkatapos ng 'GMA Blockbusters.'