TV

Theater actress Divine Aucina, makikipagsabayan kay Eugene Domingo sa 'Dear Uge'

By CHERRY SUN

Mapapanood sa Dear Uge na may kasama si Eugene Domingo sa pakikipag-kwentuwaan sa katauhan ni Divine Aucina.

"Isa akong assistant o side kick ni Ms. Uge na nagtitinda, nagbabantay ng tindahan niya. Tapos, ako din 'yung kasama niyang ka-kwentuhan dito sa mga love stories na pinapadala," pagpapakilala ni Divine.

LOOK: Introducing Dear Uge 

Nagsimula si Divine sa Philippines Educational Theater Association (PETA). Sumabak din siya sa ilang indie films habang sa GMA network naman siya nakakuha ng mga proyekto sa telebisyon. Napasama siya cast ng Mundo Mo'y Akin na pinagbidahan nina Alden Richards at Louise delos Reyes. Ilang beses na rin siyang napanood din siya ng Karelasyon, Wagas, at Mars.

Aniya, hindi raw siya makapaniwala na ngayon ay bahagi na siya ng first comedy anthology on Philippine TV.

READ: Eugene Domingo, ang mukha at pangalan ng kauna-unahang comedy anthology sa bansa 

"Thrilled! Actually hindi pa nagsi-sink in sa akin. Kanina lang nung dumating na si Ms. Uge sa dressing room. Narinig ko na 'yung boses, my God. May make-up na ako, photo shoot na 'to. Totoo na 'to ah?," kwento niya tungkol sa pictorial nila ni Eugene.

Pag-amin din niya, "This is something everyone would wish for. This is something na every artist ika nga ay gustong ma-achieve, lalo na [mapasama] kay Ms. Uge na beterano, na someone we really look up to sa theater, sa film at sa TV. Parang suntok sa buwan pero I’m here."

Ano nga ba ang dapat abangan kay Divine?

"Mas ako, mas bakla pa," aniya.

"Expect laugher, expect happiness. Kagaya ng sabi ni Ms. Uge, this is something very new. This is something very fresh, the idea is very fresh kaya I’m sure matutuwa lahat ng mga tao dito," dagdag niya.