TV

Alma Moreno, isang 'monster bossing?'

By CHERRY SUN

Malayo sa kanyang pangalan dahil kakilakilabot sa kasungitan si Aling Baby, ang may-ari ng isang lechunan at karakter ni Alma Moreno sa Dear Uge ngayong Linggo, July 17.


Parang kitchen of hell ang eksena sa kanyang negosyo na masasaksihan at mararanasan ng probinsyanang si Grace (Kim Rodriguez). Dahil walang muwang at positibo, susubukan ni Grace na kumbinsihin ang ibang empleyado na mabait talaga si Aling Baby.

Paano kung siya ang mapag-initan ng kanyang monster bossing? At paano rin kung may problema sa negosyo?

Maging monster kaya si Grace, o si Aling Baby ang magbago? Alamin ‘yan ngayong Linggo, July 17, pagkatapos ng Sunday PinaSaya.