TV

Carla Abellana, nag-hire ng magpapanggap na boyfriend niya?

By CHERRY SUN

 

Tampok si Carla Abellana sa Dear Uge  bilang si Sarah, isang college teacher in her 30’s na walang serious boyfriend kaya kumuha nalang ng “acting jowa.”

Matagal-tagal na ang huling relasyon ni Sarah at hindi pa naging maganda ang paghihiwalay nila ng kanyang ex-boyfriend. Kaya naman, mas pinili na lamang niyang ituon ang kanyang oras at atensyon sa pagtuturo, sa kanyang mga estudyante, at sa Theater Club.

Kaso lang, hindi ito matanggap ng kanyang Daddy, Mommy at nakababatang kapatid na nauna pang ikasal sa kanya. Kukulitin nila si Sarah na maghanap ng mapapangasawa dahil feeling nila ya mapag-iiwanan na siya ng panahon. 

Dahil sa pressure, mapipilitan naman si Sarah na sundin ang suhestiyon ng kanyang fellow teacher na mag-hire na lang ng magpapanggap na maging boyfriend niya. Sakto at makikilala niya ang napakagwapo ngunit nakakasuklam na si Patrick (Mikael Daez), isang struggling actor.

Magtagumpay kaya si Sarah sa pagpapanggap kung nakakairita ang “acting jowa” niya? Ano na rin ang mangyayari kung ang aktingan nila ay may totoong feelings na pala?

Huwag palampasin ang kuwentuwaang ito ngayong Linggo, November 13, sa Dear Uge, pagkatapos ng Sunday PinaSaya.