TV

EXCLUSIVE: Eugene Domingo, ramdam ang araw ng Pasko sa 'Dear Uge'

By CHERRY SUN

Hindi maitatanggi ang saya ni Eugene Domingo dahil sa tinatamasang tagumpay ng Dear Uge. Aniya, ramdam daw niya na tuwing Linggo ay tila Pasko, at nais niyang ipagpatuloy ang Kapuso comedy-anthology sa mga susunod pang taon.

Bahagi niya sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com, “Grabe ang saya namin. Super. We’re praying na umabot kami ng mga minimum of 10 years.” 

Memorable daw para kay Eugene ang mga naging kuwentuwaan sa kanyang programa.

“Parang lahat naman kasi may cameo roles ako ‘di ba. So masaya na na-establish namin na pati ‘yung cast namin ready sila to be spontaneous. ‘Yung cast namin, whether they are dramatic actors or comedians, they’re enjoying kasi nadi-discover nila kaya pala nila maging spontaneous. Light lang ba, light,” wika niya. 

“Every Sunday is like Christmas day and Valentine’s day ‘coz it’s about love and being generous about everything,” patuloy niya.

Maliban sa Dear Uge, masaya rin si Eugene dahil kabilang sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang kanyang pelikulang Ang Babae sa Septic Tank 2. Magiging busy raw siya sa promotions nito, at nais niyang ma-enjoy din ng kanyang loyal viewers ang kanyang pelikula.

MORE ON EUGENE DOMINGO:

WATCH: Eugene Domingo, nagkuwento tungkol sa kanyang Italian boyfriend 

WATCH: Ang Babae sa Septic Tank 2 Official Trailer