TV

Benjie Paras, nadismaya sa pagdating ni Terry Gian?

By CHERRY SUN

Tulong ang kanyang hatid ngunit hindi ikinatuwa ni Benjie Paras ang pagdating ni Terry Gian. Ganyan ang takbo ng kuwentuwaan sa Dear Uge ngayong darating na araw ng Pasko, December 25.


Matagal nang nagtatrabaho sa peryahan ni Madam Rica si Badong (Benjie). 

Nanganganib ipasara ito at dumating naman si Duday (Terry) to the rescue. Kaysa matuwa si Badong ay lalo lang siyang nangamba para sa kanyang trabaho.

Gagawin ni Badong ang lahat para bawiin ang kanyang trono sa peryahan mula kay Duday. At habang nagpapagalingan, may sikretong mabubunyag sa tunay na katauhan ng bagong salta. Kakayanin kaya itong tanggapin ni Badong?

Pakatutukan na ang kwelang kuwentuwaang maghahatid ng saya sa inyo ngayong Pasko, December 25, sa Dear Uge pagkatapos ng Sunday PinaSaya.