TV

EXCLUSIVE: Kimchi, matutupad ang birthday wish dahil sa 'Wowowin'

By CHERRY SUN

Aminado si Kimchi na tunay na blessing sa kanya ang pagiging bahagi ng Wowowin. Aniya, ang program ni Willie Revillame ang makakatulong din sa kanya para matupad ang isa sa mga birthday wish niya ngayong taon.

Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Kimchi ang kanyang mga hiling.

Wika ni Kimchi, “Isa sa mga wish ko, mas makapag-travel pa this year! Kasi di ko masyadong nagawa last year ang mag-travel. Kaya I’m so happy na may Wowowin Worldwide Tour! Parang tamang tama sa wish ko ngayong taon na ‘to at birthday ko.”

May mga plano rin daw siya outside showbiz.

Aniya, “More business ventures din. Kasi di naman forever ang showbiz. I just opened my boutique last year. I’m so happy kasi natuto ako, and kumikita at the same time.”

Maliban sa kanyang personal wishes, ang iba niyang hiling ay para naman sa kanyang kinabibilangang programa.

“Sana mas magtagal pa ang Wowowin para marami pang matulungan na tao,” saad ni Kimchi.

MORE ON KIMCHI:

READ: Kimchi, ang kanyang ikalawang pamilya ang kasama sa kaarawan?

EXCLUSIVE: Wowowin hosts, masaya sa paglaki ng kanilang pamilya

EXCLUSIVE: Co-hosts ni Willie Revillame, ibinahagi ang kanilang best memories sa Wowowin 

Tags:
kimchi, wowowin