TV

Elyson De Dios, tumakas kasama ni Lindsay De Vera?

Mag-partner sa Santacruzan ang mga karakter nina Elyson De Dios at Lindsay De Vera sa Dear Uge ngayong Linggo.
 
Tila nagkakamabutihan ang dalawang teenager na sina Maria at Dondon, ngunit may isang malaking hadlang—magkaribal ang kapatid ni Maria na si Avi (gagampanan ni Chariz Solomon) at ang lola ni Dondon na si Aling Rosa (gagampanan ni Nova Villa).

 



 
Mas lalaki ang problema nang mawala sina Maria at Dondon ilang oras bago mag-Santacruzan. Ano ang gagawin ng Barangay Kagandahan kung wala ang Reyna Elena at ang konsorte nito?
 
Alamin ang mangyayari ngayong Linggo, 2:30 p.m., pagkatapos ng Sunday PinaSaya.