TV

LJ Reyes, nagpanggap na nasa New York?

By Cherry Elaine Joyce Sun

Gaganap si LJ Reyes bilang ang probinsyanang nagpanggap na nasa New York sa kuwentuwaan sa Dear Uge ngayong Linggo, July 9.

Isang probinsyana si Janice na may mataas na pangarap. Napangakuan siyang makakapagtrabaho sa New York ngunit bogus lang pala ang kanyang recruitment agency.

Sa Maynila namasukan si Janice bilang isang yaya pero pagmumukhain niyang nasa Amerika siya para hindi mapahiya ang mga magulang niya. Buti na lang, pati ang kanyang among si Cheksa (Ash Ortega) ay tinutulungan siya sa kanyang pagpapanggap.

Wala na sanang iba pang poproblemahin si Janice hanggang sa isang araw ay dumating ang kababata niyang si Lucy (Vaness del Moral). Papasok si Lucy bilang yaya sa katabing bahay ni Cheska, at di malaman ni Janice ang gagawin niya!

Mabuking kaya ni Lucy ang lihim ni Janice? Paano na kung malaman ng mga magulang ni Janice na nasa Maynila lang pala siya?

Tutok na sa kuwentuwaang pinamagatang ‘Yaya in the City’ sa nangunguna at nag-iisang comedy anthology, ang Dear Uge ngayong Linggo, July 9.