TV

Jean Garcia, napahamak dahil sa sobrang pagtitipid?

By Cherry Sun

Walang masama sa pagtitipid, maliban na nga lang kung ito pa ang magiging ikapapahamak ng ibang tao. Ito ang tema ng kuwentuwaang pagbibidahan ni Jean Garcia bilang si Hilda sa Dear Uge ngayong Linggo, October 22. 


Bilang isang magulang, pangarap ni Hilda na guminhawa ang buhay ng kanyang mga anak. Kaya naman, naging natural na para sa kanya na maging matipid. Mula sa pagkain hanggang sa kung ano-anong bagay sa bahay, tinitipid ni Hilda.
 
Pero, paano kung sa sobrang pagtitipid ay mapapasama pa lalo ang pamilya niya? Kayanin kayang magbago ng ating bida?
 
Alamin ang kahahantungan ng kuwentuwaang ito sa nag-iisa at nangungunang comedy anthology, ang Dear Uge ngayong Linggo, October 22, pagkatapos ng Sunday PinaSaya!

Photos by: chic2garcia(IG)