TV

Jennylyn Mercado, ano ang tadhana bago magtapos ang 2017?

By Cherry Sun

Muling mapapanood si Jennlyn Mercado bilang si Cynthia, ang babaeng naniniwala sa tadhana, sa year-end kuwentuwaan sa Dear Uge ngayong Linggo, December 31.

Maniniwala si Cynthia na kumilos ang tadhana nang makilala niya ang guwapo at free-spirited na si Felix (Mark Herras). Magiging mag-boyfriend at mag-girlfriend sila at ipauubaya ang kanilang relasyon sa tadhana.

Pero, mukhang hindi pala si Felix ang nakatakda para kay Cynthia dahil may arranged marriage siya sa negosyanteng si Jason (Dion Ignacio). Mas mahihirapan pa si Cynthia, dahil kabaligtaran ni Felix ang ugali ng mapapangasawa niya.

Paano sosolusyonan ni Cynthia ang problema niya? Sino ang pipiliin niya?

Samahan ang Ultimate Star at RomCom Queen na si Jennylyn sa pagbibidahang kuwentuwaang pinamagatan ‘Kasal-Sakalan’ sa Dear Uge, ngayong Linggo, December 31!