TV

Rhian Ramos, bulag sa pag-ibig?

By Cherry Sun

Bulag at matigas ang ulo. ‘Yan ang karakter ni Faith na gagampanan ni Rhian Ramos kasama si Jason Abalos bilang si Danilo sa kuwentuwaan sa Dear Uge ngayong Linggo, July 1.

Umuwi ng Pilipinas mula Amerika si Faith para sa kanyang eye examination. Muli niyang makakasalamuha ang kanyang kababatang si Danilo pero iba na ang pakikitungo niya rito. Simula kasi nang nabulag si Faith ay galit na siya sa mundo at sa lahat ng nakapaligid sa kanya.

Susubukang suyuin ni Danilo si Faith para maibalik ang kanilang pagkakaibigan. Bibigyan niya ito ng iba’t ibang kulay ng rosas na mayroon ding iba’t ibang kahulugan.

Maging magkaibigan kaya silang muli? O pagkakataon na ito para mahigitan pa ang kanilang dating friendship?

Tunghayan kung saan patungo ang tagpong ito! Tutok na sa nag-iisa at nangungunang comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge ngayong Linggo, July 1, pagkatapos ng Sunday PinaSaya!