TV

Andrea Torres, Mike Tan, Ervic Vijandre, Rochelle Pangilinan, involved sa web of love?

By Cherry Sun

Magugulo ang buhay nina Andrea Torres, Mike Tan, Ervic Vijandre at Rochelle Pangilinan ngayong madadawit sila sa isang komplikadong web of love sa kuwentuwaan sa Dear Uge ngayong Linggo, July 22.

Picture-perfect man ang tingin ng mga tao sa marriage nina Ning (Andrea) at Mark (Ervic), alam ni Ning na may ibang babae ang kanyang mister. Inililihim ito ni Ning hanggang sa makakuha siya ng sapat na ebidensya laban kay Mark.

Sa pag-iimbestiga ni Ning, makikilala niya si Tomas (Mike) na naniniwala ring niloloko siya ng kanyang misis na si Lolit (Rochelle). Dahil pareho ng pinagdadaanan sina Ning at Tomas, magiging magkaibigan sila.

Malalaman nina Ning at Mark na sina Tomas at Lolit pala ang magkalaguyo, at dahil dito ay lalong magdadamayan ang dalawa.

Paano nila aayusin ang kanilang problema? Matulad kaya sila sa kanilang mga asawa?

Alamin kung paano maaayos ang nagkabuhol-buhol na kuwentong pag-ibig at pagkakaibigan sa episode na ‘Kabit-Sabit’ ng nag-iisa at nangungunang comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge ngayong Linggo, July 22.

Tags:
dear uge