TV

Carla Abellana, na-in love sa mas bata sa kanya?

By Cherry Sun

Mahuhulog ang loob ni Carla Abellana sa katrabahong 10 years ang bata sa kanya sa kuwentuwaan sa Dear Uge ngayong Linggo, August 19.

Gaganap si Carla bilang si Gina, isang thirty-something na panalo sa career pero sawi sa pag-ibig. Dahil tingin ng kanyang officemates ay masyado na siyang matanda para maging single, ililihim ni Gina ang kanyang pinagdadaanan sa kanila.

Makakatagpo siya ng confidante kay Junie (Jeric Gonzales), isa sa kanyang mga staff na 10 years ang bata sa kanya, at lalalim ang kanilang pagkakaibigan. Paano na lamang kung mabalitaan ng kanilang mga katrabaho ang namumuong pag-iibigan sa pagitan nina Gina at Junie?

Alamin ang kahihinatnan ng kuwentuwaang 'My Secret Love' sa nag-iisa at nangungunang comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge ngayong Linggo, August 19.