TV

Gloria Diaz, pasaway na nanay?

By Cherry Sun

Gaganap si Gloria Diaz bilang si Remedios, isang ideal nanay na magiging pasaway, sa kuwentuwaan sa Dear Uge ngayong Linggo, September 2.

Matapos pumanaw ng mister ni Remedios, ginawa niya ang lahat para maitaguyod pa rin ang isang magandang buhay para sa kanilang anak na sina Abra (Ralph Noriega), Lorna (Mika dela Cruz), at Fe (Joyce Ching). Pero kahit ano'ng effort ni Remedios, hindi pa rin siya sinusunod ng mga anak niya. Adik kasi sa computer games si Abra, magastos naman si Lorna dahil sa pagsa-shopping, at sumusuway si Fe tungkol sa pagkakaroon ng relasyon.

Susuko na sana si Remedios nang makakuha siya ng advice mula sa kanyang manliligaw na si Mang Victor (Pen Medina). Paano kaya kung gayahin ni Remedios ang kanyang mga anak at maging pasaway rin? Magbago na kanya sina Abra, Lorna at Fe?

Subaybayan ang kuwentuwaang ito sa nag-iisa at nangungunang comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge ngayong Linggo, September 2.