TV

Dear Uge: Lovely Abella vs Kim Domingo vs Valeen Montenegro para sa iisang lalaki

By Cherry Sun, Cara Emmeline Garcia

Matsa-challenge ang pagkakaibigan nina Lovely Abella, Kim Domingo, at Valeen Montenegro bilang sina Louise, Vina at Tony dahil sa iisang lalaki sa kuwentuwaang pagbibidahan nila sa Dear Uge Presents ngayong Linggo, April 4.

Lovely, Kim & Valeen

Sa barkada ng Lou-Vi-Ton, si Louise (Lovely) ang utak, si Vina (Kim) ang puso at si Tony (Valeen) ang lakas.

Compatible ang personalities nilang tatlo kaya kumbinsido silang hindi na nila kailangan ng lalaki sa buhay nila. Pero, magbabago ito nang makilala nila si Giorgio (JC Tiuseco).

Masisira ang sinasakyang nilang kotse kaya makikituloy sila sa ancestral home na nasa pangangalaga ni Giorgio. Ma-i-in love ang tatlo sa binata at ang magkakaibigan, magpapatalbugan.

Maayos pa kaya ang friendship nina Louise, Vina at Tony, o isasakripisyo nila ito para sa pag-ibig ni Giorgio?

Alamin 'yan sa nag-iisa at nangungunang comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge Presents ngayong Linggo, April 4.