TV

Jeric Gonzales at Buboy Villar, pag-aagawan si Kiray Celis sa 'Dear Uge Presents'

By Cara Emmeline Garcia

Ano'ng mas angat sa pag-ibig? Kagandahan o kagandahan ng puso? 'Yan ang tanong ng karakter ni Kiray Celis na si Kora sa kuwentuwaan sa Dear Uge ngayong Linggo, March 3.

Jeric Gonzales at Buboy Villar

Si Kora ay isang tipikal na babae -- mabait at mapagmahal, ngunit may low self-esteem dahil sa kayang "kakaibang" beauty. At alam ni Kora na hindi sapat ang pagiging mabait para mapansin siya ng kanyang crush at katrabaho na si Rai (Jeric Gonzales).

Ngunit isang araw, nagkaroon si Kora ng amnesia dahil sa isang kalokohang ginawa ni Rai sa resort kung saan sila nagtatrabaho. Dahil dito, nagbago ang pananaw ni Kora sa sarili niya.

Bigla-biglang nagkaroon si Kora ng confidence na siya ang pinakamagandang dilag sa buong mundo. Dahil dito, dahan-dahang mai-inlove sa kanya si Rai pati na ang kaibigan nitong si Allan (Buboy Villar).

Pero ano'ng mangyayari 'pag naalala na ni Kora ang lahat? Mananatili pa rin ba ang kanyang new found confidence?

Sundan ang kuwentuwaang ito sa nag-iisa at nangungunang comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge Presents ngayong Linggo, March 21.

Tags:
dear uge